Personal information
No personal information available
Biography
Si Franz Jerby M. Delos Santos ay isang gradwadong mag-aaral sa ilalim ng programang Batsilyer ng Agham - Master sa Sining sa Sikolohiya at Pagpapayo sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Bilang isang lisensyadong Career Service Professional Eligible (CSPE) at Certified Human Resource Associate (CHRA), taglay niya ang malalim na kaalaman sa larangan ng serbisyong sibil at pamamahala ng yamang tao. Bukod dito, isa rin siyang part-time na guro sa English as a Second Language (ESL) at Matematika, na may karanasan sa pagtuturo online sa loob ng ilang taon. Naglingkod siya bilang Guidance and Counseling Intern sa Manila Central University, kung saan pinagyaman niya ang kanyang kakayahan sa pagbuo ng mga counseling program at interpretasyon ng iba't ibang psychological tests. Bilang isang aktibong miyembro ng iba’t ibang organisasyon, kabilang ang Ginhawa Research Lab, lumalahok siya sa mga inisyatibang nagtataguyod ng kamalayan tungkol sa kalusugang pangkaisipan. Nakikiisa rin siya sa mga kumperensiya ng pananaliksik, tulad ng kauna-unahang International Research Conference on Interdisciplinary Perspectives (Setyembre 2024), kung saan pinarangalan ang kanilang grupo at papel ng mga titulong "Best Paper" at "Best Presenter."